Sinabi kahapon ni John Allen, Komander ng tropang Amerikano sa Afghanistan, na sa Summit ng North Atlantic Treaty Organization (NATO) na idaraos sa malapit na hinaharap, tatalakayin nila ang bagay na may kinalaman sa pagpapatuloy ng deployment ng tropa sa Afghanistan pagkaraan ng 2014.
Ang nabanggit na summit na idaraos mula ika-20 hanggang ika-21 ng buwang ito, ay may agenda na kinabibilangan ng aksyong militar ng NATO sa Afghanistan, kakayahang pandepensa ng NATO sa hinaharap at paghihikayat ng mga kapanalig na bansa para lumahok sa aksyon ng NATO.