Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Opisyal ng Philippine Chamber of Commerce: pag-isipang mabuti ang mga hakbang na gagawin

(GMT+08:00) 2012-05-17 18:10:02       CRI

HINDI kailangang magpadalus-dalos ang mga Pilipino sa pagtugon sa panawagang mag-boycott ng mga produktong gawa sa Tsina. Nararapat na makailang ulit na pag-isipan ang bagay na ito.

Ito ang panawagan ni Ginoong Jesus Varela, Chairman ng Public Affairs ng Philippine Chamber of Commerce and Industry sa mga panawagan ng ilang mga politiko na huwag nang bumili ng mga produktong gawa sa Tsina.

Larawan ni Ginoong Jesus Varela, Chairman ng Committee on Public Affairs ng Philippine Chamber of Commerce and Industry.  Sa isang exclusive interview para sa CRI-Filipino Section, sinabi niyang huwag magpadalus-dalos ang mga Pilipino sa panawagang mag-boycott ng mga produktong Tsino.

Sa panayam ng ng China Radio International, sinabi niya na mayroong mga Pilipinong nakikinabang sa pagkakalakal ng mga produktong gawa sa Tsina sa Pilipinas. Ang export ng Pilipinas na 14.45% na ipinadadala sa Tsina ay pangatlo sa ipinagbibili ng bansa sa Japan at Estados Unidos.

Ani Ginoong Varela, ang exports ng Pilipinas na nagkakalahaga ng 50 bilyon ay nararapat pang tumaas at malampasan ang Japan at Amerika. Hindi pa kasama sa datos na ito ang exports ng Pilipinas sa Hong Kong at Macau na special autonomous regions ng Tsina.

Kailangang pag-isipan at huwag magpadalus-dalos ang mga mamamayan sa panawagang mag-boycott sapagkat baka balikan ang Pilipinas at higit mahirapan sa daigdig ng kalakal.

Kabilang sa mga posibleng gawin ng Tsina ang pag-boycott sa mga produktong mula sa Pilipinas. Malaki rin ang posibilidad na maapektuhan ang may 8,000 overseas Filipino workers sa Tsina. Kung mahalaga ang buhay ng isa manggagawang Pilipino, ano pa kaya ang buhay ng 8,000 manggagawa. Dapat rin umanong isaalang-alang ang pamilya ng bawat manggagawang Pilipino na nasa Tsina.

Dapat umanong maunawaan ng mga Pilipino ang impluwensya ng Tsina sa iba't ibang bansa at malalaking kumpanya.

Mayroon na umanong isang malaking kumpanya na nais makipagkalakal sa Pilipinas subalit sinabihan ng Tsina na huwag na munang makipagkasundo sa Pilipinas sapagkat baka maapektuhan ang kanilang negosyo sa Tsina. Umatras na umano ang multi-national company at walang magagawa sa ganitong situwasyon.

Malaki rin umano ang posibilidad na idaan sa ibang bansa ang produktong gawa sa Tsina at higit na tataas ang presyo nito sapagkat dumaan na sa third party.

Bagama't halos kalahati lamang ng investments ng mga Pilipino ang investments ng mga Tsino sa Pilipinas, may posbilidad na ang salaping ginagamit ng mga Tsinoy sa Pilipinas ay mula sa kanilang mga kamag-anak at kababayan mula sa mainland China, partikular sa real estate, sa pagmimina atbp. Pawang front lamang umano ang mga kamag-anak na nasa Pilipinas ng mga nagmula sa mainland China, ayon sa ilang industry sources.

PILIPINAS, PUNONG-ABALA SA PULONG NG ASEAN – US MEETING

ANG bansang Pilipinas ang magiging punong-abala sa 25th Association of Southeast Asian Nations-United States Dialogue at 1st Meeting of the ASEAN – US Eminent Persons Group sa Maynila mula sa Linggo hanggang Miyerkoles, ika – 20 hanggang ika – 22 ng Mayo.

Isang regular na pagpupulong ang ASEAN-US Dialogue sa pag-itan ng ASEAN at US senior officials na magbabalik-aral sa progreso ng ASEAN – US cooperation at magpapalitan ng pananaw tungkol sa regional at international developments. Kabilang na rin ditto ang paglulunsad ng ASEAN – US Eminent Persons Group at paghahanda na rin para sa ika-apat na ASEAN – US Leaders Meeting sa Nobyembre ng taong ito.

Co-chairpersons sa ASEAN – US Dialogue sina Undersecretary for Policy Erlinda F. Basilio bilang Philippine Senior Official Meeting leader at Assistant Secretary Kurt Campbell ng US State Department Office for East Asia and the Pacific.

Bago maganap ang dialogue, magpupulong sa kauna-unahang pagkakataon ang ASEAN – US Eminent Persons Group sa Lunes, Mayo 21. Ito ay sa rekomendasyon ng ASEAN – US Leaders na siyang magbabalik-aral sa relasyon ng ASEAN at Estados Unidos at gagawa ng mga rekomendasyon sa mga nararapat gawin kabilang na ang mga hakbang upang mapag-ibayo ang pagtutulungan sa rehiyon at sa daigdig.

Magpapalakas din ng pagtutulungan at koordinasyon tulad ng kalakal at investments, disaster response at energy security.

Pangungunahan ni Ginoong Rodolfo C. Severino, Jr. bilang Philippine Eminent Person at ng kanyang counterpart mula sa Amerika.

Ang Pilipinas ang Country Coordinator para sa ASEAN – US Dialogue Relations mula 2009 hanggang 2012. Nagsimula ang relasyon ng ASEAN at Estados Unidos noong 1977.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>