"Huwag gumawa ang mga bansang kanluranin ng maling paunang-konklusiyon hinggil sa panibagong round ng talastasan sa isyung nuklear." Ito ang ipinahayag kahapon ni Sayeed Jalili, Punong Kinatawang Iranyo sa talastasan sa isyng nuklear ng Iran.
Idinagdag pa niya na handa ang Iran na pangalagaan ang sarling karapatan at interes sa naturang talastasan, at hindi nitong babaguhin ang landas na dapat nitong tahakin, sa kabila ng ipinapataw na presyur ng mga bansang kanluranin laban sa Iran.
Ayon sa ulat, idaraos ang bagong round ng talastasan sa isyung nuklear sa pagitan ng Iran at naturang mga bansa sa ika-23 ng darating na Mayo ng kasalukuyang taon sa Baghdad ng Iraq, pagkaraang maganap ang unang round nito noong ika-14 ng Abril sa Istanbul, Turkey.