Nanumpa kahapon sa tungkulin ang pansamantalang pamahalaan ng Greece na pinamumunuan ni Karolos Papoulias.
Sa seremonya ng panunumpa, sinabi ni Papoulias na ang tungkulin nila ay panatilihin ang katatagan ng bansa at maghanda para sa halalang pamparliamento na idaraos pagkaraan ng isang buwan.
Ayon sa pinakahuling estadistika, kahit ang koalisyon ng mga makakaliwa na tumututol sa austerity measures ay may posibilidad na maging unang partido sa bagong parliamento, mahihirapan din silang makakuha ng majority ng mga luklukan ng parliamento, kaya maaring muling malagay sa deadlock ang kalagayan ng Greece.