Dumalaw ngayong araw sa Iran si Yukiya Amano, Pangkalahatang Direktor ng International Atomic Energy Agency (IAEA), para pasulungin ang kooperasyon sa Iran at malutas ang isyung nuklear ng bansa sa paraang pagsasanggunian. Ito ang kanyang kauna-unahang pagdalaw sa Iran pagkatapos niyang mamumpa bilang pangkalahatang Direktor ng IAEA.
Bago siya magtungo ng Iran, sinabi ni Amano, na kamakailan ay nagkaroon ng progreso ang pakikipagtalastasan ng IAEA sa Iran, kaya ito ang angkop na panahon para dumalaw sa naturang bansa at direktang makipag-usap sa mga lider nito.
Ayon sa Pambansang Ahensya sa Pagbabalita ng Iran, makikipag-usap si Amano kay Sayeed Jalili, Ministrong Panlabas ng Iran at iba pang mga mataas na opisyal para talakayin ang mga umiiral na hidwaan sa isyung nuklear ng Iran.