"Ayaw naming makita ang pagsuspinde ng Chinese language courses at ang kapinsalang dulot ng sapilitang pag-aalis ng mga boluntaryong gurong Tsino." Ito ang ipinahayag kahapon ng namamahalang tauhan ng Punong Himpilan ng Confucius Institute sa Tsina bilang tugon sa patakarang isinapubliko kamakailan ng Konseho ng Estado ng Estados Unidos(E.U.) hinggil sa pagsuspinde sa pagtuturo ng Wikang Tsino sa American Confucius Institutes bagong magkaroon muli ng certification, at hindi pagbibigay ng palugit sa Visa ng mga gurong Tsino.
Sinabi pa niya, na ang pagtatatag ng Confucius Institutes sa E.U. ay sumailalim sa kahilingan ng mga tauhan ng iba't ibang sektor Amerikano, kung sinong nais mag-aral ng Wikang Tsino. Ang Confucius Institutes aniya ay naglalayon namang tulungan ang mga mamamayan sa daigdig, kinabibilangan ng mga mamamayang Amerikano, sa pag-aaral ng Wikang Tsino, at kulturang Tsino para pasulungin ang pagkakaibigan ng mga mamamayan ng iba't ibang bansa.