Sinusugan kahapon ng Kagawaran ng Estado ng E.U. ang regulasyon nito hinggil sa isyu ng visa ng mga gurong Tsino sa mga Confucius Institutes sa E.U., at ipinangako nitong maayos na lutasin ang isyung ito.
Ayon sa sinusugang regulasyon, tutulungan ng panig Amerikano ang mga gurong Tsino na magkaroon ng angkop na visa nang hindi nilang kailangang umalis ng E.U.. Pagdating naman sa isyu ng accreditation, anito, ang mga Confucius Institutes na itinatag sa mga kuwalipikadong pamantasan at kolehiyo ng E.U. ay hindi nangangailangan ng accreditation.