Ipinatalastas kahapon ng panig militar ng Sudan na ipinasiya na nitong iurong ang tropa nito mula sa pinagtatalunang rehiyon ng Abyei sa pagitan ng Sudan at South Sudan.
Sinabi ng tagapagsalita ng panig militar na ang kapasiyahang ito ay ginawa bilang tugon sa mungkahi ni Thabo Mbeki, tagapamagitan ng African Union at dating Pangulo ng Timog Aprika para lumikha ng kondisyon sa pagtatagumpay ng susunod na round ng pag-uusap nila ng South Sudan.
Kaugnay ng pambabatikos ng pamahalaan ng South Sudan hinggil sa umano'y paglulunsad ng tropa ng Sudan ng air strike sa loob ng South Sudan, pinabulaanan ito ng naturang tagapagsalita.
Salin: Vera