Sa Peace Palace, Phnom Penh — Binuksan dito kahapon ang 2 araw na Ika-6 na Pulong ng mga Ministrong Pandepensa ng ASEAN. Tatalakayin ng mga kalahok ang mga isyung gaya ng pagpapalakas ng rehiyonal na kooperasyong panseguridad, at pagpapasulong ng pagtatatag ng Komunidad ng Seguridad ng Pulitika ng ASEAN.
Sinabi nang araw ding iyon ni Tea Banh, Tagapangulo ng naturang pulong, Pangalawang Punong Ministro, at Ministrong Pandepensa ng Cambodia, na ang tema ng pulong na ito ay "Pagpapalakas ng Pagkakaisa ng ASEAN, at Pagtatatag ng Maharmoniya at Ligtas na Komunidad." Ito aniya ay naglalayong pasulungin ang kapayapaan, kaunlaran, at kooperasyon, at pasulungin ang pagtatatag ng Komunidad ng Seguridad ng Pulitika ng ASEAN sa taong 2015.
Dumalo sa naturang pulong ang mga Ministrong Pandepensa mula sa Cambodia, Brunei, Indonesia, Laos, Malaysia, Myanmar, Pilipinas, Singapore, Thailand, at Biyetnam, at ang Pangalawang Pangkalahatang Kalihim ng ASEAN.
Salin: Li Feng