|
||||||||
|
||
Kinatagpo dito sa Beijing kahapon ni Pangalawang Premyer Li Keqiang ng Tsina, si Klaus Schwab, Tagapangulo ng World Ecnomic Forum (WEF). Malalimang nagpalitan ng kuru-kuro ang dalawang panig hinggil sa kasalukuyang sitwasyon ng kabuhayang pandaigdig, pagpapalakas ng kooperasyon ng Tsina at WEF, at iba pa.
Tinukoy ni Li na ang matagumpay na kooperasyon ng Tsina at WEF ay nakakapagpasulong sa pagkakaunawa ng komunidad ng daigdig sa Tsina, at nakakapagpalawak ng mga tsanel ng kooperason.
Ipinahayag naman ni Schwab ang paniniwalang gaganap ang Tsina ng pahalaga nang pahalagang papel sa kabuhayang pandaigdig.
Salin: Li Feng
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |