Nakipag-usap kahapon sa Beijing si Pangulong Hu Jintao ng Tsina sa kanyang Mongolian counterpart na si Tsakhia Elbegdorj.
Ipinahayag ni Hu, na pinapairal ng Tsina ang mapayapang pakikipamuhayan sa labas, lalo na sa mga kapitbansa. Handa aniya ang Tsina na magsikap, kasama ng Mongolia para ibayo pang palakasin ang pangkapitbansa at estratehikong partnership ng dalawang bansa, batay sa prinsipyong may mutuwal na kapakinabangan at magkasamang pag-unlad, upang makinabang ang mga mamamayan.
Sinabi naman ni Tsakhia Elbegdorj, na ang Tsina ang pinakamalaking trade partner ng Mongolia. Umaasa aniya ang kanyang bansa na mas mapapahigpit ang estratehikong partnership ng dalawang bansa sa iba't ibang larangan, kabilang ang pulitika, kabuhayan at kalakalan, imprastruktura, kultura, at pagbibigay-dagok sa transnasyonal na krimen.