|
||||||||
|
||
Isinapubliko kahapon ng Tanggapan ng impormasyon ng Konseho ng Estado ng Tsina ang "State Human Right Action Program mula taong 2012 hanggang 2015."
Hinggil dito, sinabi ni Wang Chen, Puno ng naturang departamento na ipinakikita ng programang ito ang determinasyon ng Tsina na isulong ang karapatang pantao, at ang natamong tagumpay ng bansa sa usaping ito.
Sinabi ni Wang na ang naturang dokumento ay naglalayon, hindi lamang para mapangalagaan ang sustenebleng pag-unlad ng kabuhayan, lipunan, at karapatang pantao, kundi magkaroon din ng edukasyon sa karapatang pantao at pagpapalitang pandaigdig sa larangang ito.
Sinabi niyang dapat isagawa ang mabibisang hakbangin ng mga may kinalamang depertamento ng bansa sa iba't ibang antas para maisakatuparan ang mga tungkulin ng naturang action program, baguhin ang sistema ng pamamahalang panlipunan, at pabutihin ang sistemang mangalaga sa karapatang pantao, batay sa aktuwal na kalagayan sa iba't ibang lugar.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |