Sinabi kahapon sa New York ni Li Baodong, Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa UN, na ang diyalogo at talastasan ay tamang paraan lamang sa maayos na paglutas ng isyung nuklear ng Iran.
Idinaos nang araw ring iyon ang bukas na pulong ng UN Security Council (UNSC) hinggil sa isyung nuklear ng Iran. Sinabi ni Li na ang naturang isyu ay may kinalaman sa katatagan ng sistema ng di-pagpapalaganap ng sandatang nuclear at kapayapaan ng Gitnang Silangan.
Sinabi pa niya na dapat komprehensibong isagawa ang mga resolusyon ng UNSC, pero ang sangsyon sa Iran ay hindi target ng mga resolusyon.