|
||||||||
|
||
Ipininid kahapon sa Mexico ang 2 araw na ika-7 Summit ng mga Lider ng G20. Nagtalakayan ang mga kalahok na lider hinggil sa pagpapahupa ng debt crisis ng Europa, paggarantiya ng pag-ahon ng kabuhayang pandaigdig, at iba pang isyu.
Ipinalalagay ng mga ekonomista na para maigarantiya ang pag-ahon at paglaki ng kabuhayang pandaigdig, kailangang mabisang lutasin ang debt crisis sa Europa at itatag ang kaayusan ng pinansyang pandaigdig. Anila, ang EU ay mahalagang economy ng daigdig. Batay sa sariling kakayahan at pagtulong mula sa ibang economy ng daigdig, may kakayahan ang EU na malutas ang sariling problema. Ang key point ng problemang ito ay kung malulutas o hindi ng mga bansa sa Euro Zone ang kanilang pagkakaiba.
Ang pagpigil sa proteksyonismong pangkalakalan ay isa pang pokus ng summit na ito. Dahil mahina ang kabuhayan, kapansin-pansing muling lumilitaw ang proteksyonismong pangkalakalan sa mga bansang Europeo at Amerikano, bagay na nakakaapekto sa pag-unlad ng kabuhayan ng mga bagong economy. Tinukoy ni Pascal Lamy, Pangkalahatang Direktor ng World Trade Organization o WTO, na dapat magkaisa ng palagay ang G20, igiit ang pangako hinggil sa kalakalan, at alisin ang trade barrier.
Iminungkahi ni Pangulong Hu Jintao ng Tsina na buong lakas na pasulungin ang matatag na pag-ahon ng kabuhayang pandaigdig, palalimin ang reporma ng sistemang pinansyal ng daigdig, pasulungin ang malusog na pag-unlad ng kalakalang pandaigdig, at determinadong pasulungin ang sustenableng pag-unlad.
Sa kasalukuyan, dapat patatagin ang bunga ng pagharap ng krisis na pinansyal, samantalang hanapin ang bagong paraan para malutas ang bagong problema. Dapat samantalahin ng mga bansa ang bunga ng G20 Summit, at pasulungin ang pag-unlad at kasaganaan ng daigdig.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |