|
||||||||
|
||
Inilahad kahapon ni Yang Jiechi, Ministrong Panlabas ng Tsina na mabunga ang pagdalo ni Pangulong Hu Jintao sa G20 Summit na ginanap sa Los Cabos, Mexico.
Ayon sa kanya, aktibong lumalahok ang Tsina sa mga aktibidad na pandaigdig para maharap ang krisis na pinansiyal at ang pagdalo ng pangulong Tsino sa G20 Summit ay naglalayong pasulungin ang katatagan at pagbangon ng kabuhayang pandaigdig.
Sa kanyang pagdalo sa naturang summit, inilahad ni Pangulong Hu Jintao ang paninindigan ng kanyang bansa sa pagpapasulong ng pagbangon ng kabuhayang pandaigdig, pagpapalalim ng reporma sa pandaigdigang sistemang pinansiyal at isyu ng paglutas ng debt crisis sa Europa.
Pinagmamalasakitan ng Pangulong Tsino ang isyu ng pag-unlad. Sinabi niya na ang pagsasakatuparan ng komong pag-unlad ng komunidad ng daigdig ay pundamental na paraan ng pagpapasulong ng sustenableng paglaki ng kabuhayang pandaigdig. Umaasa aniya siyang buong sikap na mapapasulong ng komunidad ng daigdig ang kasaganaan at kaunlaran ng mga umuunlad na bansa at mapapaliit ang agwat sa pagitan ng mga mauunlad at umuunlad na bansa.
Kaugnay ng kabuhayan ng Tsina, inilahad ni Hu ang kasalukuyang kalagayan at mga kinakaharap na hamon. Sinabi niya na patuloy na isasagawa ang prokatibong patakarang pinansyal at matatag na patakaran ng pananalapi para mapalawak ang pangangailangang panloob at mapabuti ang pamumuhay ng mga mamamayan.
Naniniwala aniya siyang mapapanatili ng Tsina ang magandang tunguhin ng pag-unlad ng kabuhayan para magbigay ng ambag sa pagbangon at pag-unlad ng kabuhayang pandaigdig.
Ayon pa kay Yang, magkakahiwalay na kinatagpo ni Hu ang mga kalahok na lider para mapagkoordina ang mga paninindigan sa naturang mga isyu at mapalalim ang bilateral na relasyon.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |