|
||||||||
|
||
Sa kanyang pakikipagtagpo kahapon sa Rio De Janeiro kay Punong Ministro Manmohan Singh ng India, ipinahayag ni Premyer Wen Jiabao ng Tsina na dapat patuloy na pasulungin ng panig Tsino at Indian ang proseso ng paglutas ng problema sa hanggahan, at pangalagaan ang kapayapaan at katatagan ng nasabing purok.
Sinabi ni Wen na dapat pahigpitin ng kapuwa panig ang pagtitiwalaang pulitikal at estratehiko, at igarantiya ang pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa sa tumpak na landas. Dapat pataasin ang saklaw at lebel ng pragmatikong kooperasyon, at enkorahehin ang pamumuhunan sa isa't isa; pasulungin ang pagpapalitan ng mga kabataan, lokalidad at media, at likhain ang mainam na kapaligirang panlipunan para sa pag-unlad ng bilateral na relasyon; pahigpitin ang koordinahan sa mga suliraning pandaigdig at panrehiyon, at patingkarin ang bagong ambag sa pagpapasulong ng kasaganaan, katatagan at sustenableng pag-unlad ng buong mundo.
Ipinahayag naman ni Singh na hindi pinahihintulutan ng kanyang bansa ang paggamit ng sinuman ng teritoryo ng India para sa mga aksyong laban sa Tsina, at hindi nakikisangkot sa alinmang aksyon ng pagpigil o pagkubkob sa Tsina. Aniya, dapat ibayo pang patingkarin ng kapuwa panig ang bentahe ng pagkokomplimento ng kabuhayan, at isagawa ang komprehensibong kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan.
Salin:Vera
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |