Sa pamamagitan ng kanyang tagapagsalita, nagpalabas kahapon ng sirkular si Pangkalahatang Kalihim Ban Ki-Moon ng UN bilang pagpapahayag ng kalungkutan sa hindi pagkakaisa ng palagay ng mga dumalo sa talastasan sa Moscow hinggil sa "konkreto at may kapakinabangang hakbangin" sa isyung nuklear ng Iran.
Anang sirkular, umaasa si Ban na bago idaos ang susunod na round ng talastasang teknikal at pulitikal, na magiging determinado ang iba't ibang kinauukulang panig para hanapin ang kalutasan sa pamamagitan ng talastasan sa lalong madaling panahon, at mapapanumbalik ang kompiyansa ng komunidad ng daigdig sa mapayapang esensya ng planong nuklear ng Iran.
Salin:Vera