Mga alas-10 kaninang umaga, nagsadya sa Beijing Aerospace Control Center si Pangulong Hu Jintao ng Tsina para makipag-usap sa tatlong astronaut na Tsino na lulan ng Shenzhou-9 manned spacecraft. Ang tatlo ay sina Jing Haipeng, Liu Wang at Liu Yang. Ito ang kauna-unahang two-directional TV talk sa pagitan ng mga tao sa lupa at mga astronaut sa orbiting spacecraft sa kalawakan sapul nang isagawa ng Tsina ang manned space activities.
Binigyan ni Pangulong Hu ng lubos na pagpapahalaga ang tagumpay ng manual docking sa pagitan ng Shenzhou-9 Spacecraft at Tiangong-1 Space Lab Module. Aniya, ang maalwang pagtatapos ng tungkulin ng manual docking ay palatandaang komprehensibong namaster ng Tsina ang teknolohiya ng space docking. Bilang mga astronaut na isinabalikat ng tungkuling ng kauna-unahang manual docking sa kasaysayan ng Tsina, nagbigay ang tatlong astronaut na Tsino ng namumukod na ambag para sa pag-unlad ng usapin ng manned space activities ng Tsina, dagdag pa ni Hu.
Salin:Vera