|
||||||||
|
||
Ngayong araw ay International Anti-drug Day. Ang tema nito sa taong ito ay Kumilos ang Buong Mundo para Magkakasamang Maitatag ang Maligtas na Komunidad. Ganap na namamalasak ang droga sa "Golden Triangle," kaya, ang pagbabawal at pagbibigay-dagok sa droga ay palagiang isa sa mga pinakahalagang paksa ng pagtutulungan at integrasyong rehiyonal ng ASEAN. Nitong nakalipas na ilang taon, natamo ng ASEAN ang kapansin-pansing bunga sa pagharap ng isyu ng droga, nananatili mahirap pa rin ang landas para ganap na lutasin ang isyung ito.
Sa ika-20 ASEAN Summit noong Abril ng taong ito, pinagtibay ng mga lider ng ASEAN ang deklarasyon ng pagkakatatag ng Non-drug Zone sa taong 2015, at nagpapakita ito ng determinasyon ng mga bansang ASEAN sa ganap na pagbawas ng droga.
Kahit malaki ang ginagawang pagsisikap ng mga bansang ASEAN, grabe pa rin ang situwasyon hinggil sa drug crime doon. Dalawa ang pangunahing dahilan. Una, naganap doon sa "Golden Triangle" ang mga bagong droga. Pagkaraang taong 2000, buong lakas na pinalaganap sa "Golden Triangle" ang pagpapalit-tanim. Malakiang napapaliit ang pagtatanim ng poppy, ngunit, pinalitan ang poppy ng mga bagong sintetikong droga gaya ng ice drug, dancing outreach, at iba pa, at mabilis na dumarami ang bilang ng mga ito.
Ikalawa, sala-salabat ang mga isyung ibinunga ng mga etnikong isyu. May 135 etnikong grupo ang Myanmar. Iba ang etnikong grupo, iba ng sistema ng administrasyon, hustisya at kultura. Sa mga mahirap na rehiyon ng Myanmar, ang droga ay mahalagang paraan ng ikabubuhay ng mga etnikong armadong grupo. Mahigpit na nagkakasala-salabit ang mga isyung etniko at pulitikal sa isyu ng droga sa Myanmar, kaya, mahirap ang pagtutulungan ng Myanmar sa komunidad ng daigdig hinggil sa paglaban sa droga.
Tinukoy ng mga may kinalamang taga-analisa na para malutas ang isyu ng droga, dapat patuloy na pabutihin ng komunidad ng daigdig ang bilateral at multilateral na mekanismong pangkooperasyon at palakasin ang mga hakbangin nito.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |