|
||||||||
|
||
Ayon sa pahayag na ipinalabas kahapon ng Unyong Europeo o EU, idaraos ngayong araw sa Istanbul ang pag-uusap ng mga dalubhasa ng Iran at 6 na kinauukulang panig sa isyung nuklear ng naturang bansa na kinabibilangan ng Estados Unidos, Britanya, Pransya, Rusya, Tsina, at Alemanya.
Anang pahayag, ibayo pang ipapaliwanag sa pag-uusap ang mungkahi ng naturang 6 na panig hinggil sa isyung ito. Malaliman ding malalaman ang reaksyon ng Iran sa pulong sa Moscow, at tatalakayin ang mga isyung iniharap ng Iran sa mga nakaraang round ng pag-uusap.
Nang araw ring iyon, ipinahayag ni Ali Akabar Salehi, Ministrong Panlabas ng Iran, na ang isyung nuklear ng kanyang bansa ay lulutasin sa paraang diplomatiko at pulitikal. Aniya, hahanapin ng Iran ang win-win situation sa pag-uusap, at pangangalagaan din ang sariling karapatan sa mapayapang paggamit ng enerhiyang nuklear.
Samantala, ipinahayag kahapon ng Ministring Panlabas ng Iran na ang bagong round ng sangsyon sa bansa na ipinapataw ng Estados Unidos at EU ay nagsasapanganib sa kaligtasan at pagkabalanse ng pandaigdig na pamilihan ng enerhiya.
Salin:Vera
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |