|
||||||||
|
||
Ipinahayag kahapon ni Jim Yong Kim, bagong Presidente ng World Bank (WB), na sa kasalukuyan, nangingibabaw pa rin ang di-tiyak na elemento sa kabuhayang pandaigdig. Kaugnay nito, magsisikap aniya ang WB para ipatupad ang tungkulin nito sa pagpapasulong ng paglaki ng kabuhayan at pagpapawi ng kahirapan.
Sinabi ni Kim na bilang pandaigdig na organo ng kaunlaran, may obligasyon ang World Bank na tulungan ang mga kasapi nito na harapin ang iba't ibang panganib sa pag-unlad ng kabuhayan. Aniya, ipagkakaloob ng WB ang iba't ibang pagkatig sa mga kasapi nito sa mga aspektong gaya ng teknolohiya, kaalaman at pautang.
Binigyang-diin din niyang dapat isagawa ng mga bansang Europeo ang mga kinakailangang hakbangin sa lalong madaling panahon, para mapangalagaan ang katatagan ng kabuhayan. Ang katatagan ng kabuhayang Europeo ay makakaapekto sa paglago ng kabuhayan ng iba pang rehiyon sa daigdig, dagdag pa niya.
Salin:Vera
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |