|
||||||||
|
||
Nakipag-usap kahapon sa Beijing si Pangulong Hu Jintao ng Tsina sa dumadalaw na Presidente ng Konseho ng Estado at Konseho ng mga Ministro ng Cuba na si Raul Castro.
Sa pag-uusap, sinabi ni Hu na dapat palakasin ang pagpapalitan ng mga partido at pamahalaan ng Tsina at Cuba, para mapahigpit ang pangangasiwa sa partido at pamahalaan; mapasulong ang pagpapalitang pangkaibigan ng mga tauhan,lalo na ng mga kabataan; mapalakas ang kooperasyon ng dalawang bansa sa iba't ibang larangan, kabilang na ang kabuhayan at kalakalan, imprastruktura, edukasyon, kultura, agrikultura, modernong siyensiya at teknolohiya; mapahigpit ang kooperasyon at koordinasyon ng dalawang bansa sa mga suliraning pandaigdig, kinabibilangan ng isyung may kinalaman sa reporma ng United Nations, para mapasulong ang sustenableng pag-unlad, at komong kasaganaan ng sangkatauhan.
Aniya, positibo rin ang Tsina sa natamong tagumpay ng Cuba sa sosyalistang konstruksyon, batay sa aktuwal na kalagayan ng bansa, at pagsisikap nito sa pangangalaga sa soberanya ng bansa.
Ipinahayag naman ni Raul Castro, na positibo ang Cuba sa tagumpay ng Tsina sa pagpapahigpit ng konstruksyon ng partido at reporma ng pamahalaan, at pagpapasulong ng koordinadong pag-unlad ng kabuhayan at lipunan. Aniya, handa na ang kanyang bansa na palakasin pa ang pakikipagpalitan sa Tsina sa iba't ibang larangan, para mapasulong ang pagtutulungan ng dalawang bansa.
Pagkaraan, dumalo sila sa seremonya ng paglalagda sa mga
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |