|
||||||||
|
||
Sa Phnom Penh, Cambodia---Nakipag-usap dito kahapon si Ministrong Panlabas Yang Jiechi ng Tsina sa kanyang Malaysian counterpart na si Anifah Aman.
Sa pag-uusap, ipinahayag ni Yang na positibo ang Tsina sa estratehikong pakikipagtulungan sa Malaysia. Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap, kasama ng Malaysia, para mapasulong ang pragmatikong kooperasyon ng dalawang bansa sa iba't ibang larangan, kabilang na ang edukasyon, siyensiya at teknolohiya,kultura, at turismo.
Nang mabanggit ang kooperasyong panrehiyon, sinabi ni Yang na gumaganap ang Malaysia ng mahalagang papel sa ASEAN. Handa rin aniya ang Tsina na palakasin ang pakikipagtulungan sa Malaysia sa larangan ng pulitika, kabuhayan, at pagpapalitan ng mga tauhan, nang sa gayon lalo pang mapahigpit ang relasyon ng Tsina at ASEAN。
Sinabi naman ni Anifah, na ang Tsina ay matalik na kaibigan ng Malaysia, at positibo ang kanyang bansa sa pagpapasulong ng pangkaibigang pakikipagtulungan sa Tsina. Nakahanda aniya ang Malaysia na pahigpitin ang pakikipagpalitan at pakikipagtulungan sa Tsina sa mga isyung panrehiyon at pandaigdig.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |