Sa Phnom Penh, Cambodia---Nakipag-usap dito kahapon si Ministrong Panlabas Yang Jiechi ng Tsina sa kanyang counterpart sa Veitnam na si Pham Binh Minh.
Sa pag-uusap, sinabi ni Yang na pinahahalagahan ng Tsina ang pakikipagtulungan sa Veitnam. Umaasa aniya ang Tsina na ipapatupad ang mga komong palagay na narating ng mga lider ng dalawang bansa, para mapasulong pa ang bilateral na relasyon.
Sinabi naman ni Pham Binh Minh na positibo ang Vietnam sa mapagkaibigang pakikipagtulungan at pakikipagpalitan sa Tsina, lalo na sa pagpapalitang kultural ng mga kabataan ng dalawang bansa.