Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pribado ang magiging libing ni Dolphy

(GMT+08:00) 2012-07-14 16:45:25       CRI

PRIBADO ANG MAGIGING LIBING NI DOLPHY

SA kahilingan ng pamilya ng beteranong artistang namayapa, magiging pribado ang libing ni Rodolfo Vera Quizon, Sr., na bantog sa pangalang Dolphy.

Dumagsa ang libu-libong tagahanga sa Heritage Park upang masulyapan ang hinangaang komedyante ng mga Pilipino sa higit na limang dekada. Pumayag ang pamilya ni Dolphy na bigyan ang mga tagahanga ng hanggang mamayang gabi upang masulyapan ang kanilang idolo.

Namatay noong Martes ng gabi si Dolphy sa edad na 83. Naratay sa Makati Medical Center ang komedyante ng higit sa isang buwan dahilan sa karamdamang chronic obstructive pulmonary disease.

Idaraos ang pribadong libing Linggo ng hapon sa Heritage Memorial Park sa Taguig City.

LABING-LIMANG PILIPINA DARATING BUKAS MULA SA SYRIA

TULOY ang pag-uwi ng mga manggagawang Pilipino mula sa Syria dahilan sa walang katiyakang situwasyon doon.

Ayon sa Kagawaran ng Ugnayang Panglabas, ibinalita ng Embahada ng Pilipinas sa Damascus na sasakay sa Emirates Air flight EK 334 ang 15 kababaihan at darating sa Ninoy Aquino International Airport 1 mga alas diyes ng gabi.

Sampu ang nagmula sa Damascus samantalang may galling sa Tartous at Latakia at sa magulong lungsod ng Homs.

Dalawang manggagawa ang nakatakdang dumating ngayon sakay ng Etihad Airlines flight EY 424.

Pito ang dumating mula sa Aleppo noong Huwebes at isinaayos ang kanilang paglalakbay sa pamamagitan ng Embahada ng Pilipinas at ng Honorary Consul sa Aleppo.

Hanggang noong Huwebes, umabot na sa 1,775 mga manggagawang Pilipino ang nakauwi sa repatriation program ng pamahalaan mula noong nakalipas na Disyembre 2011.

PAGTUTULUNGAN, PINAG-USAPAN SA SOUTHWEST PACIFIC DIALOGUE

PILIPINAS ang namuno sa talakayan hinggil sa Maritime Cooperation and Conservation sa ika-10 Southwest Pacific Dialogue na isinabay sa 45th ASEAN Ministerial Meeting sa Phnom Penh, Cambodia kamakailan.

Si Foreign Affairs Undersecretary Erlinda F. Basilio ang namuno sa pag-uusap ng mga foreign minister ng Philippines. Australia, Indonesia, Papua New Guinea, New Zealand at Timor Leste. Nagpalitan ang mga kinatawan ng iba't ibang bansa ng kanilang mga pananaw sa mahahalagang isyu tulad ng pagtutulungan, maritime conservation at demokrasya.

Sinuportahan ng mga ministro ang Coral Triangle Initiative hinggil sa mga batuhan, pangisdaan at seguridad ng pagkain, na makakatulong sa pagpapasigla ng conservation at sustainable management ng marine resources na magdudulot ng sapat na supply ng pagkain at karampatang hanapbuhay.

Ang Coral Triangle ang siyang pandaigdigang sentro ng biodiversity at isa sa mga nangungunang prayoridad ng daigdig para sa marine conservation.

Tinanggap ng Pilipinas ang alok na mamuno sa Southwest Pacific Dialogue sa susunod na pagpupulong ng ASEAN sa Brunei Darussalam sa 2013.

TURISMO, MAGPAPAUNLAD NG BANSA

MARAMING proyekto ang Pamahalaan ng Pilipinas bilang pagtalima sa pangako nitong pasisiglahin ang Turismo na magpapa-unlad sa ekonomiya ng bansa.

Sa kanyang talumpati sa pagdalaw ng 7th North American Ambassadors, Consuls General and Tourism Directors sa Malacanang kahapon, sinabi ni Pangulong Aquino na maraming pagbabagong ipinatupad ang kanyang pamahalaan.

Ani Pangulong Aquino, sa pamamagitan ng industriya ng Turismo, magaganap ang "inclusive growth" at magkakaroon ng mas maraming Pilipinong makikinabang. Sa tulong ng mga mamamayan, higit na sisigla ang Turismo sa bansa.

Mayroon na umanong 1.8 milyong turista sa Pilipinas sa unang limang buwan ng taong 2012. Higit na sa kalahati ang bilang na ito kung ihahambing sa 4.6 milyong turista na naitala sa taong 2011.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>