|
||||||||
|
||
Ayon sa estadistika na ipinakita ng panig opisyal ng Pilipinas, noong unang 5 buwan ng taong ito, nakahikayat ang Pilipinas ng 138 libong person-time na turistang Tsino, na lumaki ng halos 59% kumpara sa gayun ding panahon ng nagdaang taon.
Ayon sa pinakahuling estadistka ng Kagawaran ng Turismo ng Pilipinas, noong unang 5 buwan ng taong ito, 1.82 milyong person-time na dayuhan ang naglakbay sa Pilipinas, na lumaki nang 13.5% kumpara sa gayun ding panahon ng nagdaang taon. Kabilang dito, ang Timog Korea ang pinakamalaking pinanggagalingan ng turistang dayuhan ng Pilipinas, at nasa ika-4 na puwesto naman ang Tsina.
Ipinahayag kamakalawa ni Pangulong Benigno Aquino III ng Pilipinas na ginagawang "pangunahing driving force" ng pagsasakatuparan ng mabilis, may pagbibigayan at sustenableng paglaki ng kabuhayan at lipunan ng bansa ang turismo.
Salin:Vera
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |