Sinabi kahapon ni Ali Fadavi, Komander ng Hukbong Pandagat ng Revolutionary Guard's ng Iran na ang Strait of Hormouz ay nasa ilalim ng ganap na kontrol ng armadong puwersa ng Iran. Aniya, napag-alaman ng Estados Unidos at Israel na kung isasagawa nila ang anumang aksyong ostilo sa Iran, lubhang napakalaki ng gagastusin nila.
Ipinahayag ni Fadavi na maliit ang kaalaman ng Estados Unidos sa puwersang militar ng Iran. Malaki ang itinaas sa kakayahan ng missile ng Iran, kaya't natakot ang Estados Unidos na maglunsad ng sagupaang militar laban sa Iran sa rehiyon ng Persian Gulf, kaya nagtangka itong payukuin ang Iran sa pamamagitan ng sangsyon. Aniya, handang handa na ang hukbo ng Iran para harapin ang anumang banta at pagsalakay-militar.
Salin:Vera