|
||||||||
|
||
Mula ika-19 hanggang ika-20 ng buwang ito, idaraos sa Beijing ang ika-5 pulong ministeryal ng Porum ng Kooperasyon ng Tsina at Aprika. Ipinahayag kamakailan ni Ban Ki-Moon, Pangkalahatang Kalihim ng UN, na ang naturang porum ay modelo ng South-South Cooperation. Aniya, maaaring tularan ng mga bansang Aprikano ang matagumpay na karanasan ng pag-unlad ng Tsina, para lumikha ng paborableng kondisyon sa pagpapasulong ng kaunlaran ng kabuhayan at progreso ng lipunan ng sariling bansa.
Nanawagan din si Ban sa mga bagong sibol na ekonomya na gaya ng Timog Korea, Mexico, Brazil, India, at Aprika na tularan ang karanasan ng koopersyon ng Tsina at Aprika, at ibayo pang palakasin ang pakikipagkooperasyon sa mga umuunlad na bansa, lalung lalo na, sa mga bansang Aprikano.
Nakatakdang suriin at pagtibayin sa naturang pulong ang komprehensibong plano sa kooperasyong Sino-Aprikano mula taong 2013 hanggang 2015. Si Ban ay nakatakda ring dumalo sa naturang pulong.
Salin: Vera
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |