"Positibo kami sa pagkatig ng WTO expert panel sa Tsina." Ito ang ipinahayag kahapon ni Shen Danyang, Tagapagsalita ng Ministri ng Komersyo ng Tsina bilang tugon sa konklusyong ginawa ng WTO hinggil sa kaso ng pagtutol ng Estados Unidos sa electronic payment system ng Tsina.
13 kahilingan ng Tsina ang pinaboran ng WTO at 11 naman ng E.U ang tinanggihan, kabilang na ang pagtanggi sa Unionpay Market Status ng Tsina, pagkakaloob ng transnational electronic payment service sa Tsina at iba pa.
Ipinahayag ni Shen na maayos na lulutasin ng Tsina ang alitang ito batay sa mga may kinalamang regulasyon ng WTO.