Kinatagpo kahapon ng hapon sa Beijing ni Liu Yunshan, Publicity Minister ng Komite Sentral ng Partido Kumunista ng Tsina ang Tagapangulo ng People's Action Party ng Singapore at Ministro ng National Development ng Estado na si Khaw Boon Wan.
Sa pagtatagpo, sinabi ni Liu na maalwang umuunlad ang pagtutulungan ng Tsina at Singapore sa ibat ibang larangan. Nakahanda aniya ang Tsina, kasama ng Singapore, para ibayo pang mapalakas ang relasyon ng dalawang pamahalaan at dalawang partido.
Ipinahayag naman ni Khaw Boon Wan na nakahanda ang Singapore na mapasulong ang malusog na pakikipagtulungan sa Tsina sa iba't ibang larangan, batay sa pagpapalakas ng pagpapalitan ng dalawang naghaharing partido.