|
||||||||
|
||
Tinukoy kahapon sa Beirut ni Adnan Mansur, Ministrong Panlabas ng Lebanon, na ang pagsasagawa ng aksyong militar laban sa Syria ay magpapasalimuot lamang sa kalagayan doon.
Sinabi niyang dapat balangkasin ng UN Security Council ang kasunduan, para mapigil ang sagupaan sa Syria.
Binigyang diin niya na suportado ng Lebanon ang katatagan at seguridad ng Syria, at hindi ito makikialam sa naturang isyu.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |