Ayon sa ulat ng panig opisyal ng Afghanistan, sinalakay nang araw ring iyon ng mga armadong tauhan ng Taliban ang isang police check point sa dakong timog silangan ng bansang ito. Sa labanan, napatay ng panig pulisya ang 40 armadong tauhan na kinabibilangan ng isang komander ng Taliban. Nasugatan din ang 14 iba pa mula sa panig ng Taliban.
Hanggang sa kasalukuyan, wala pang ipinalabas na pahayag ang panig ng Taliban hinggil sa naturang pagsalakay.