Sa isang diyalogo kahapon sa Singapore na itinaguyod ng International Institute for Strategic Studies, ipinahayag ni Robert B. Zoellick, dating puno ng World Bank na ang Tsina ay mayroong sapat na espasyo sa yaman at patakaran para harapin ang pagbabawas ng kabilisan ng paglaki ng kabuhayan, at maaaring isakatuparan ng kabuhayang Tsino ang soft landing.
Sinabi ni Zoellick na pagkatapos ng pagsasakatuparan ng pagsasaayos sa estrukturang pangkabuhayan, maaaring isasakatuparan ng kabuhayang Tsino ang soft landing. Sa kasalukuyan, unti-unting isinasagawa ng pamahalaang Tsino ang pagsasaayos sa estruktura, kung matagumpay ito, ito ay magdudulot ng malaking benepisyo para sa ibang ekonomiya. Halimbawa, kamakailan, buong lakas na pinataas ng Tsina ang lebel ng industriya ng serbisyo, at ito ay nagdulot ng mas maraming pagkakataon ng pag-unlad para sa industriya ng serbisyo ng Singapore, Estados Unidos, Unyong Europeo at iba pang ekonomiya.
Salin:Sarah