Ipinahayag kahapon ng Departamento ng Industriya ng Siyensiya at Teknolohiya ng tanggulang bansa ng Tsina na sa kasalukuyan, maalwan ang proseso ng pananaliksik at pagyari ng model ng Chang'e 3 lunar probe, mabilis na pinapasulong ang iba't ibang gawain, at ilulunsad ito sa huling hati ng susunod na taon.
Ang mission ng Chang'e 3 ay masusing hakbang ng buong lunar probe program ng Tsina. Ang maalwang pagsasagawa ng Chang'e 3 mission ay magdudulot ng malaking progreso para sa kinauukulang teknolohiya ng Tsina, at ilalatag ang mahalagang pundasyong panteknolohiya para sa pag-unlad ng pagsusuri sa space ng Tsina. Ito ay isang mile stone sa pag-unlad ng usapin ng kalawakan ng Tsina.
Salin:Sarah