Noong unang 6 na buwan ng kasalukuyang taon, lumampas sa 1 bilyong dolyares ang kabuuang halaga ng pagluluwas ng Tibet. Ito ay lumaki ng 1.7 paulit kumpara sa gayon ding panahon ng tinalikadang taon, at nagpapasulong ito sa kabuhayan ng rehiyong ito.
Kaugnay nito, ipinahayag ng isang dalubhasa mula sa Academy of Social Science ng Tibet, na ang pag-unlad ng kalakalang panlabas ng Tibet ay nababatay sa matatag na kalagayang penrehiyon, pagpapabuti ng impraestruktura at pagpapaunlad ng industriyang may katangiang Tibetano, at pagpapalawak ng pagluluwas.