Sa isang pahayag na inilabas kahapon ni Ban Ki Moon, Pangkalahatang Kalihim ng United Nations(UN), positibo ito sa pagkakasundo ng Sudan at South Suan hinggil sa mga isyu ng pagbahagi ng mga kita mula sa langis. "Ito ay makakabuti sa pagtatag ng relasyong pangkaibigan at pangkapitbansa ng Sudan at South Sudan, at pagsasakatuparan ng rekonsilyasyong pulitikal." dagdag ng pahayag.
Hinimok din ni Ban ang Sudan at South Sudan na lutasin ang lahat ng mga isyung naiwan at di pa nabibigyan ng kalutasan.
Nang araw ring iyon, ipinahayag naman ni Qin Gang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina ang pagtanggap sa naturang kasundauan ng Sudan at South Sudan. Sinabi niya na umaasa ang Tsina na mapapanumbalik ng South Sudan ang produksyon ng langis, at mapapangalagaan nito ang interes ng mga cooperative partners.