Kasiya-siyang natapos ngayong araw ang ika-5 magkakasanib na pamamatrolya at pagpapatupad ng batas ng Tsina, Laos, Myanmar, at Thailand sa Mekong River.
Ipinahayag ni Zhu Dezhong, Punong Komander ng Panig Tsino, na kasabay ng walang tigil na pagsulong ng ganitong magkakasanib na aksyon, itinayo ng naturang apat na bansa ang liaison office sa Meuang Mueng ng Laos, kung saan napakasalimuot ang kalagayang panseguridad. Pinalalim ng apat na bansa ang kooperasyon sa seguridad, at pagpapatupad ng batas. Mahalagang mahalaga ang katuturan nito para sa mabisang pagbibigay-dagok sa mga aksyong ilegal at kriminal sa rehiyong ito, na gaya ng pagpupuslit ng droga at baril.
Salin:Vera