Sa kanyang artikulo sa Pahayagang Washington Post, sinabi kahapon ni Ministrong Panlabas Ali Akbar Salehi ng Iran na ang Gitnang Silangan ay ang isa sa mga pinakasensitibong rehiyon sa daigdig, kaya, negatibo para sa rehiyong ito ang padalus-dalos na pagsasagawa ng repormang pampulitika sa Syria.
Binigyang diin niya na ang pagkakaroon ng diyalogo sa pagitan ng pamahalaan at oposisyon ng Syria ay nagsisilbing tanging paraan sa paglutas ng krisis, para maisakatuparan ang repormang pulitikal ng bansa. Positibo aniya ang Iran sa mga ito.