Ipinahayag kahapon ni Benjamin Netanyahu, Punong Ministro ng Israel, na ang gaganaping pagdalaw ni Ban Ki-moon, Pangkalahatang Kalihim ng UN, sa Iran sa katapusan ng kasalukuyang buwan, ay isang grabeng pagkakamali.
Ayon sa ulat mula sa tanggapan ng PM ng Israel, nag-usap sa telepono sina Netanyahu at Ban, at ipinahayag ni Netanyahu na hindi dapat dumalaw si Ban sa isang bansa na palagiang nagtatangkang lipulin ang Israel.
Binabalak ni Ban na dumalo sa Summit ng Non-Aligned Movement (NAM) na idaraos sa katapusan ng kasalukuyang buwan sa Tehran, kabisera ng Iran.