Nagbigay-galang ngayong araw sa Yasukuni Shrine sina Yuichiro Hata, Ministro ng Lupa, Imprastruktura, Transportasyon at Turismo, at Jin Matsubara, Tagapangulo ng National Public Safety Commission ng Hapon. Kaugnay nito, ipinahayag ni Tagapagsalita Qin Gang ng Ministring Panlabas ng Tsina na umaasa siyang susundin ng panig Hapones ang pangako nitong tumpak na pakikitunguhan at pagsisisihan ang pananalakay noong World War II. Sinabi rin niyang dapat pangalagaan ng Hapon ang pangkalahatang kalagayan ng relasyong Sino-Hapones sa pamamagitan ng aktuwal na aksyon.
Ani Qin, kung talagang pinagsisisihan ng panig Hapones ang militaristikong pagsalakay, at iginagalang ang damdamin ng mga nabiktimang mamamayang Asyano, na kinabibilangan ng mga mamamayang Tsino, hindi magkakaroon ng usapin hinggil sa Yasukuni Shrine. "Ang Hapon mismo ang magpapasiya kung pupulutin o hindi ang aral ng kasaysayan, at lilikhain ang kinabukasan, kasama ng mga mamamayang Asyano," dagdag pa ni Qin.
Salin:Vera