Nag-usap kahapon sina Ke Kim Yan, Pangalawang Punong Ministro ng Kambodya, at Nguyen Xuan Phuc, dumadalaw na Pangalawang Punong Ministro ng Biyetnam, para talakayin ang hinggil sa pagbibigay dagok sa mga transnasyonal na krimen ng droga, at para mapatupad ang target na "Ligtas sa Droga na ASEAN sa 2015."
Ipinahayag ni Ke Kim Yan na kailangang palakasin ng Kambodya at Biyetnam ang kanilang pag-uugnayan para bigyang-dagok ang krimen ng droga. Iminungkahi niyang patuloy na palakasin ang kanilang kooperasyon sa transit check, pagsasanay sa mga tauhan laban sa droga, kakayahan ng pagbibigay ng dagok sa krimen, at iba pang larangan. Samantala, dapat aniyang aktibong magsagawa ang dalawang bansa ng deklarasyon ng ika-20 ASEAN Summit, para mapatupad ang target na "Ligtas sa Droga na ASEAN sa 2015."
Salin: Andrea