|
||||||||
|
||
Sa Nay Pyi Daw, Myanmar, idinaos kahapon ang ika-10 Porum ng Silangang Asya na may temang "Paliitin ang agwat ng siyudad at kanayunan, magbahaginan ng karanasan at mag-aralan". Dumalo sa porum si Yang Xiuping, Embahador ng Tsina sa ASEAN, kasama ng kanyang entorahe.
Iniharap ni Yang ang karanasan at paraan ng Tsina sa nabanggit na problema sa seremonya ng pagbubukas. Bukod dito, gusto ng Tsina na magbahagi ng karanasan at palakasin ang pagtutulungan at pagtatalastasan sa pagbibigay-tulong sa mga mahihirap na nayon at sa urbanisasyon.
Iniharap ng mga kalahok sa ASEAN, Timog Korea at Hapon ang kani-kanilang karanasan. Nais nilang pag-ibayuhin ang pagtutulungan at pagtatalastasan upang mapaliit ang agwat ng siyudad at kanayunan at isulong ang pagtatatag ng East Asian Community upang magbigay ng kapakanan sa rehiyong ito
Salin: James
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |