Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Search operations pinamunuan ni Pangulong Aquino

(GMT+08:00) 2012-08-19 15:26:57       CRI

LUMIPAD patungong Masbate City si Pangulong Benigno Simeon C. Aquino IIi upang pamunuan ang paghahanap sa nawawalang eroplanong kinasasakyan ni Interior and Local Government Secretary Jesse M. Robredo at dalawang piloto.

Magugunitang lumipad si Kalihim Robredo mula Lungsod ng Cebu kahapon ng ika-dalawa't kalahati ng hapon patungong Lungsod ng Naga sakay ng isang Piper Seneca. Biglang tumawag ang piloto sa Masbate Airport na kailangan nilang magsagawa ng emergency landing subalit sinamang-palad na hindi na nakalapag sa paliparan sapagkat bumagsak na sa karagatan.

Tanging si Police Chief Inspector Jun Abrasado, aide-de-camp ni Kalihim Robredo ang nakaligtas sa sakuna. Isinugod siya sa pagamutan subalit lumahok din sa rescue operations kahapon hanggang kagabi.

BAHAGI NG BUMAGSAK NA EROPLANO, NATAGPUAN.  Nakuha ng mga mangingisda, Philippine Navy, Philippine Coast Guard, Philippine National Police at mga volunteers ng Philippine National Red Cross-Masbate Chapter ang bahaging ito ng eroplanong sinasakyan ni Interior and Local Government Secretary Jesse M. Robredo. Bukas ay nakatakdang magpadala ang Philippine National Red Cross ng dagdag na maninisid. (Larawang kuha ng Philippine National Red Cross/Masbate Chapter)

Sa panayam ng mga mamahayag kay Secretary Manuel Araneta Roxas III, lumahok na rin sa search operations ang mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police at Philippine Coast Guard sa karagatan sa pagitan ng Masbate at Ticao Islands.

Sinabi ni Kalihim Roxas na mabilis ang tubig sa ilalim ng karagatan kaya't nahihirapan silang matukoy kung saan na naroon ang bumagsak na eroplano.

May nakuha nang bahagi ng eroplano ang mga magdaragat na nagtataglay ng wing number ng sasakyang panghimpapawid.

Kasama ni Pangulong Aquino sina Defense Secretary Voltaire Gazmin, Transport ang Communications Secretary Roxas, Budget and Management Secretary Florencio Abad, PNP Chief Nicanor Bartolome at NAIA General Manager Angel Honrado.

Sinabi ni Philippine National Red Cross Secretary-General Gwendolyn Pang na magpapadala pa ang kanilang tanggapan sa Maynila ng karagdagang maninisid sa Masbate upang tulungan ang mga tauhan ng AFP, PNP at Philippine Coast Guard.

Samantala, isa sa mga nababahala ay si Isabela (Basilan) Bishop Martin Jumoad. Ayon sa obispo, nagpadala ng text message si Kalihim Robredo noong Biyernes at nangakong dadalaw sa Basilan sa darating na Martes upang tugunan halos walang-humpay na kaguluhan sa lalawigan.

Sinabi ni Bishop Jumoad na tanging si Kalihim Robredo ang dumadalaw sa kanya sa bawat pagbisita sa Basilan. Naka-tatlong ulit umanong dumalaw si Ginoong Robredo sa kanyang tanggapan sa Lungsod ng Isabela.

Kagabi, sinabi ni Bishop Jose Salmorin Bantolo na nabatid niyang hindi pa natatagpuan sina Capt. Jessup Bahinting, ang kanyang co-pilot na si Kshitiz Chand na isang Nepali citizen at Kalihim Robredo.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>