|
||||||||
|
||
Patuloy na magtatalastasan ang International Atomic Energy Agency (IAEA) at Iran tungkol sa mga naiwang problema ng planong nuklear ng Iran. Idadaos ang talastasang ito sa ika-24 ng Agosto sa Vienna, punong himpilan ng IAEA. Ngunit hindi pa ipinaaalam ng IAEA ang mga detalye ng agenda nito.
Magpapahayag ang IAEA ng makabagong ulat tungkol sa planong nuklear ng Iran sa malapit na hinaharap. Maaaring pag-usapan ng dalawang panig ang ulat na ito sa nasabing talastasan.
Salin: Chen Jingyang
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |