Sa kanyang pakikipag-usap dito sa Beijing kahapon kay dumadalaw na Pangulong Mohamed Morsy ng Ehipto, sinabi ni Wu Bangguo, Tagapagulong ng Pirmihang Lupon ng Pambansang Kongresong Bayan(NPC) ng Tsina, na nagpasalamat ang Tsina sa suporta ng Ehipto sa mga isyung may kinalaman sa nukleong interes. Aniya, positibo ang Tsina sa pagpili ng Ehipto sa sistemang politikal, pagsisikap sa pagpapasulong ng pambansang kabuhayan, at mahalagang papel nito sa mga suliraning pandaigdig. Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap, kasama ng Ehipto, para mapasulong ang pragmatikong kooperasyon ng dalawang bansa sa mas mataas na antas.
Ipinahayag naman ni Morsy na matagumpay ang Tsina sa pagpapasulong ng lipunan at kabuhayan nang alinsunod sa aktuwal na kalagayan ng bansa. Aniya, nagbigay-galang ang Ehipto sa pagpili ng mga mamamayang Tsino sa landas ng pag-unlad ng bansa, at nakahanda rin itong palakasin ang pakikipagtulungan sa Tsina sa iba't ibang larangan, batay sa prinsipyo ng paggagalangan, pagkakapantay-pantay, at mutuwal na kapakinabangan.