Ipinahayag kahapon sa Vienna, Austria ng International Atomic Energy Agency (IAEA) na dapat pagtuunan ng pinansin ang programang nuclear ng H.Korea, dahil nakakabalisa ang pahayag nito hinggil sa uranium enrichment at aktibidad ng pagtatatag ng light water reactor.
Ayon sa pagsasaliksik, sa loob ng ilang nakaraang buwan, kapansin-pansin ang pag-unlad sa pagtatatag ng light water reactor ng H.Korea. Kabilang na rito ang patuloy na konstruksyon ng iba't ibang bagay sa loob ng instalasyong nuklear sa Yongbyon at pagtatatag ng water cooling system sa labas ng naturang pasilidad.
Dagdag pa ng nasabing pahayag handa ang IAEA upang gumanap ng sariling papel sa naturang isyu.
Salin: James