|
||||||||
|
||
Ayon sa ulat na ipinalabas kahapon sa Vienna, Austria ng International Atomic Energy Agency o IAEA, hindi pa rin itinigil ng Iran ang uranium enrichment activity nito. Sapul noong nagdaang Mayo, lumaki nang doble ang bilang ng mga uranium enrichment centrifuge sa pasilidad ng Iran sa ilalim ng lupa.
Tinukoy ng ulat na ayon sa datos, umabot na sa 2140 ang bilang ng mga uranium enrichment centrifuge sa loob ng instalasyong nuclear sa ilalim ng lupa sa Fordow, Iran.
Kaugnay nito, ipinahayag nang araw ding iyon ni Tagapagsalita Jay Carney ng White House, na nananatiling bukas pa rin ang tsanel sa diplomatikong paglutas ng isyung ito, pero binigyang-diin niyang may hanggahan ang ganitong pagkakataon. Aniya, may kakayahan ang Estados Unidos na mahigpit na subaybayan ang proyektong nuclear ng Iran.
Salin: Vera
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |