Ipinahayag ngayong araw sa Urumqi ng Tsina ni Li Jinzao, Pangalawang Ministro ng Komersyo ng Tsina, na liban sa magkasamang paglaban sa anumang uri ng trade protectionism, kailangan din ng Shanghai Cooperation Organization o SCO ang pagpapadali ng negosyo at pamumuhunan sa pagitan ng mga kasaping bansa.
Sinabi pa niya na ang pagpapadali ng negosyo at pamumuhunan ay nangangailangan ng pagpapahigpit ng pagkokoordinahan ng mga kasaping bansa ng SCO sa adwana, pagsusuri sa kalidad ng mga paninda, transportasyon, e-commerce at serbisyo.