Ayon sa isang preskon hinggil sa Ika-9 na China-ASEAN Expo (CAExpo), mahigit 40 bahay-kalakal na Tsino at dayuhan ang naging mga katuwang sa naturang ekspo. Ipinahayag ng ilang namamahalang tauhan ng mga bahay-kalakal, na sa pamamagitan ng CAExpo, magsisikap sila para mapalawak ang pamilihan ng ASEAN.
Ayon sa ulat, nakatakdang idaos ang Ika-9 na CAexpo at China-ASEAN Business and Investment Summit, sa lunsod Nanning, probinsyang Guangxi ng Tsina, mula ika-21 hanggang ika-25 ng buwang ito. Ang pangunahing tema ng naturang ekspo ay "Kooperasyong Pansiyensiya't Panteknolohiya," at itatampok dito ang mga pag-unlad sa nasabing larangan. Magdaraos din ng serye ng mga aktibidad tungkol sa kooperasyong pansiyensiya't panteknolohiya, para magkaloob ng malawak na plataporma sa pagpapalakas ng Tsina at ASEAN ng kooperasyon sa larangang ito.
Salin: Li Feng