|
||||||||
|
||
Ayon sa ulat kahapon ng pahayagang "New York Times" ng Estados Unidos, isinasagawa ng pamahalaan ni Barack Obama ang iba't ibang paraan, liban sa digmaan, para ipataw ang presyur sa Iran, at pilitin itong isagawa ang mas seryosong talastasan sa isyung nuclear.
Anang ulat, ang naturang mga paraan ay kinabibilangan ng pagsasagawa ng pagsasanay-militar sa dagat, pagdedeploy ng bagong anti-missile system sa rehiyon ng Gulpo, at pagpapaibayo ng pagbabawas ng kita ng Iran sa langis.
Salin:Vera
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |